Ni Mortz C. Ortigoza
MADAMING nagtatanong sa akin sa Messenger ko at sa mga kaibigang media men sa pagbisita kanina ni Climate Change Secretary Robert Borje sa Capitol sa Lingayen, Pangasinan tungkol sa blog ngayon araw ni lawyer at congressional candidate Alvin Fernandez na:
Photo is internet grabbed. |
โ๐จ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐ด๐๐๐๐ ๐ถ๐๐๐๐๐๐๐, noong 15 Pebrero 2025, posted ng 10:28AM,
isang sikat na broadcast journalist ng Northern Watch, na madalas mag post sa
kanyang facebook, with PUBLIC VIEWING, na umaabot sa 87,501 views ang ibang
post niya, may nakausap siyang isang Kongressman, to quote,
โ๐ผ๐๐๐ ๐จ๐ ๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐๐ค๐ฃ๐๐ง๐๐จ๐ข๐๐ฃ โ ๐ฃ๐ ๐๐ฎ๐๐ฌ ๐ข๐๐๐ฅ๐๐๐๐ฃ๐๐๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐ก๐๐ฃ ๐ฃ๐๐ฎ๐ โ ๐ฃ๐ ๐ ๐๐ช๐จ๐๐ฅ ๐ ๐ค, ๐๐ฃ๐ ๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐ช๐ข๐๐ฉ๐๐ ๐๐ค๐ฃ๐ ๐พ๐ค๐ฃ๐๐ง๐๐จ๐จ๐ข๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐ ๐๐ค๐ฉ๐ค ๐ฅ๐๐ง๐ ๐ข๐๐ฃ๐๐ก๐ค ๐๐ฎ ๐ ๐๐๐ก๐๐ฃ๐๐๐ฃ ๐ฃ๐๐ฎ๐ ๐ฃ๐ 85% ๐ฃ๐ ๐ง๐๐๐๐จ๐ฉ๐๐ง๐๐ ๐ซ๐ค๐ฉ๐๐ง๐จ ๐จ๐ ๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐๐๐จ๐ฉ๐ง๐๐ฉ๐ค.
๐๐๐ก๐๐ข๐๐๐ฌ๐: ๐๐ช๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐ค๐ฉ๐๐ฃ๐ฉ๐ ๐จ๐ ๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐๐ค๐ฃ๐๐ง๐๐จ๐จ๐๐ค๐ฃ๐๐ก ๐๐๐จ๐ฉ๐ง๐๐๐ฉ ๐๐ฎ ๐ข๐๐ฎ 266,894 ๐ซ๐ค๐ฉ๐๐ง๐จ - ๐๐ง๐ค๐ข ๐ฉ๐๐ 85% ๐ค๐ 313,994 ๐ซ๐ค๐ฉ๐๐ง๐จ, ๐ ๐ช๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ ๐1,000 ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐ค๐ฉ๐ค ๐๐๐ฌ๐๐ฉ ๐๐ค๐ฉ๐๐ฃ๐ฉ๐, ๐๐ฃ๐ ๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐๐ค๐ฃ๐๐ง๐๐จ๐จ๐๐ค๐ฃ๐๐ก ๐๐๐ฃ๐๐๐๐๐ฉ๐ ๐๐ฎ ๐ ๐๐๐ก๐๐ฃ๐๐๐ฃ ๐๐ช๐ข๐๐จ๐ฉ๐ค๐จ ๐ฃ๐ ๐266,
894,000 ๐ค ๐133,447,000 ๐ฅ๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐ฎ๐๐ฃ ๐๐ฎ ๐500 ๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ค.
๐๐จ๐ช๐๐ก๐ก๐ฎ 80% ๐ฉ๐ค 85% ๐ก๐๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐ช๐ข๐ช๐ฉ๐ค, ๐๐ฃ๐๐ฎ๐ ๐๐๐๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐๐ ๐๐ ๐๐ฅ๐ ๐ ๐๐ข๐ ๐จ๐ ๐๐๐๐๐ฎ ๐ฃ๐๐ฎ๐.โ
AKO NAMAN na si Alvin Fernandez, AY NAG COMMENT sa kanyang post.
266,182 ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐ ๐๐ 4๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ 310,771 ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ 2022 ๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐ 85.65% ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ 2022 ๐ฌ๐ณ๐ฌ๐ช๐ป๐ฐ๐ถ๐ต๐บโ.
Aniko ibang distrito ang tinutukoy ko doon. Iyong ma intrigang sipi ko na iyon ay galing sa lumang column at blog ko na nagkamit rin ng maraming
reaksyon, pagkagulat, at pagka -iskandalo sa mga netizens sa loob at labas ng
Pilipinas matapos kong ipost sa blog/vlog kong 101 Talk
Radio kahapon.
Na ipost ko iyon noong sinusuri ko ang mga lumang sinulat ko sa nakalipas na dalawang dekada dahil gusto kong mailabas sa
librong sinusulat ko na may pamagat โPaano
Nanalo ang mga Pinoy sa Eleksyonโ na plano kong ibenta online (gaya sa "Kingmaker:The Hard Copy" ni Atty. Vic Rodriguez) sa mga
tumatakbo ngayong 2025 eleksyon.
Baka mag best seller itong ginagawa kong raket at
magkadatung ako ng limpak limpak, hahaha! Pagnagkataon tatakbo akong mayor o
kongresman tulad ni Alvin doon sa amin sa Mindanao dahil mura ang bilihan ng
boto, este, gastusan doon para sigurado ang aking pagkapanalo.
(Pagpasensiyahan niyo itong lumang laptop computer ko minsan mali-mali ang lumalabas na salita, hahaha!)
Iyong pinagkunan ko ng โexcerptโ ay kasali sa mga
sinulat ko sa Northern Watch Newspaper
at sa mga blog ko sa huling dalawang dekada. Tungkol sila sa mga panayam ko sa
mga alkalde, kongresman, at mga senador kung paano sila nanalo sa eleksyon.
Kasama na doon kung paano sila namimili ng boto, ang dami ng tao na kailangan
nilang bilhin, ang timing ng pabili, mga uri ng armas na ginagamit ng mga goons
nila, saang lalawigan sila kumukuha ng mga tauhan nila para panakot nila sa
kalaban, ang sabwatan nila sa mga matataas na opisyal ng kapulisan para may
bentahe silang manalo, at iba pa.
Naniniwala
akong madami ang gustong makaalam nitong pinagkakaabalahan ko sa mga nakalipas
na mga buwan. In short, from the horsesโ mouth mismo ang mga source ko.
Pag nag click iyong libro ko, isusunod kong isulat
kong paano magnakaw ang mga elective officials sa mga proyektong gobyerno mapa local at national man
kung saan marami sa kanila โ kasama na doon ang mga opisyales ng DPWH o
Departamento ng mga P*tang Ina at Walang Hiya este Department of Public Works
& Highway โ ang nagkukwento sa akin kung sila nagmu-moromoro sa bidding,
ang laki ng kupit na tinatawag na s.o.p galing sa kontraktor na binabayaran ng
pamamahalaan.
Oโ, saan pa kayo nakakita ng manunulat na ganito na
alam niya kung paano mamili ng boto sa eleksyon at paano magnakaw ang mga
dorobong pulitiko.
Pero uulitin ko, iyong tag P1,000 o P500 na bilihan
kada bobotante na sinabi ko at ni quote ni Alvin ay sa ibang distrito iyon at
iyon ay galing sa lumang column at blog ko.
Ganoon kalaki
ang bigayan doon noon dahil ang kalaban ay kayang magbigay ng tig-isanlibong
piso kada voter rin. Wala namang ganoon kalaking halaga na umikot sa isang
lungsod at apat na bayan ng Quatro Distrito noong naglaban noong May 9, 2022 election
si last term Congressman Toff de Venecia kay Atty. Alvin kung saan ang una ay
nakakuha ng 213, 020 boto at ang huli ay merong 53, 162 votes.
Magbabangaan ngayong May 12 congressional election si Alvin at si dating Kongreswoman Manay Gina de Venecia. Ang huli ay ina ni Kong.
Toff.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento