Biyernes, Disyembre 8, 2017

Bad, Good News sa Ekonomiya ng Pinas

By Mortz C. Ortigoza

Ang Pilipinas at Indonesia na daw ngayon ang may pinaka maraming mahihirap sa ASEAN 10 ayon sa United Nation Development Program (UNDP) na sinulat sa Philippine Star.
Ang ASEAN 10 ay kinabibilangan ng Singapore, Malaysia, Vietnam, Philippines, Indonesia, Brunei, Thailand, Myanmar (Burma), Cambodia, and Laos.
Mantakin ninyo ba naman sa declaration ng UNDP pati si Laos na matagal ng panahon na laos sa kahirapan tinalo at nila-os na niya now si Pinas sa dami ng mahihirap, anak ng bakang dalaga!
Image result for poverty philippines
Glaring Poverty in the Philippines. Photo Credit: RC
Ang dahilan kung bakit dumami ang mahirap sa bansa natin ay dahil lumubo ang population natin sa 103.3 million noong 2016 (World Bank), iyon ang sumaling kaagad sa isip ko noong binabasa ko ang news article.
Parang rabbit kasi ang Pinoy pag nanganganak! Tapos kung sino pa ang pobre iyon pa iyong madaming anak. Sobrang fertile naman ni tatay at ni nanay – rabbit nga!

Pero noong kino-compute ko ang figures ng population ng mga selected na bansa sa ASEAN 10 mukhang mali ang computation ng UNDP na mas maraming mahirap sa Pilipinas kung ikumpara natin ang Per Capita Income versus sa Laos.