By Mortz C. Ortigoza
M’LANG, Cotabato – Hindi gaya ng dambuhalang kaldero na nagkakahalaga ng P50 million na ginawang pang ilaw sa 2019 Southeast Asians Game (SEAG) sa Capas, Tarlac, dito sa first class na bayan na ito ang mga kalderong ginagawa ay nagkakahalaga lamang ng P925 sa pinakamalaki. Ganoon din sa mga kawa at kawali na may ibat ibang presyong mapapamura ka dahil sa sobrang mura.
Ayon kay Sales Executive Quirico “Ontoy” Reales ang Machora Enterprises na pag aari ng kanyang kapatid na si Mechanical Engineer Raul Reales ay nakakapagbigay ng humigit-kumulang 40 trabahante na halos galing sa agricultural na bayan na ito sa Central Mindanao.
“Umabot ang delivery namin sa Cagayan de Oro, Zamboanga at Basilan,”
ani Ontoy Reales sa Northern Watch
Newspaper.
Ang Machora Enterprises ay may
tatlong closed van delivery trucks na ginagamit para maibiyahi sa mga lugar na
ito at iba pa sa Mindanao ang mga gawa nilang de kalidad na mga gamit pangluto.
Ani Sales Agent Reynaldo “Toto”
Canoy, bayaw ng dalawang Reales, ang mga gamit na ito ay gawa sa aluminyo na
kung saan binibili nila sa halagang P90 kada kilo sa delivery man na pumunta dito sa
M’lang – isang Christian dominated town.
Mga halimbawa ng aluminyo ay iyong mga galing
sa lata ng mga soft drinks at beer. Sila ay tinutunaw gamit ang blower na
nagpapalakas sa apoy habang pinapatuluan ng used oil nagpapapatunaw “o
nagpapa-sabaw” ang mga aluminyo, ani Ontoy Reales.
Dagdag ni Canoy, ang wholesale na
bentahan nila ng kaldero ay P185, P175, P155, P140 at P120 kada isa magmula sa
pinakamalaki papuntang pinakamaliit.
‘Ganoon din ang presyo ng kawali – na tawag sa Ilonggo ay karaha – na
ka presyo ng kaldero,” paliwanag ni Canoy.
Ang mga kawa naman ayon sa
pinakamalaki papuntang pinaka maliit ay P1,880, P639, P470, P280 at P230 kada
isa na wholesale price din.
Ang mga malalaking kaldero ay
binebenta nila ng P925 hanggang P825.
“1,200 na kaldero at iba pa ang nagagawa namin kada araw,” ani Canoy.
Nakikita ng writer na ito kung
paano hinuhulma, binubuhusan ng liquid na aluminyo, pinapakintab ang mga gamit
na ito ng mga trabahante sa pamamagitan ng sari saring makina para sa kasiyahan
ng mga customer nila.
Dahil kay Engineer Raul Reales
hindi na kailangan ng mga residente dito na lumuwas pa sa mga lungsod ng
Mindanao o Metro Manila para makapaghanap ng trabaho.
Mabuhay ang mga Reales
entrepreneur na tumutulong sa pag-usbong ng bayan na ito!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento