Sabado, Mayo 20, 2023

Ni Suwapang nila Cong. ang Kickback

 By Mortz C. Ortigoza

Nagpapasalamat ang isang Mayor sa Diyos dahil iyong nilalakad niyang malapit sa two hundred million pesos na project na galing sa national government ay ni download na sa bank account ng municipio.

“Walang mangyayari pag ni download nila sa DPWH hindi na sa amin mapupunta na kay Congresswoman na” ani Mayor.


Anong ibig sabihin pag napunta na ang project kay Congresswoman? Ibig sabihin niyan ay susolohin na ng mambubutas ng upuan sa Kongreso, este, mambabatas ang S.O.P o kickback sa pinili niyang contractor na kasabawat sa moro-moro sa bidding sa Department of Public Works & Highway.

Ang kalakaran sa kickback sa kalsada, slope protection at tulay sa Pinas ay umiikot sa 10 to 20 percent. Pag suwapang iyong pulitiko aabot pa ng 30 percent kaya iyong ibang kontratista nilalagyan ng kawayan sa halip na bakal na bituka ang konkretong kalsada – gaya sa nangyari noon sa isang bayan sa Pangasinan na nabisto - dahil halos nasimot na ng Congressman ang tubo niya.

***

Mabuti pa iyong pamilya ng isang pulitiko sa isang distrito sa probinsiya ko may limit ang pagkagahaman. Sabi noong mayor na naka inuman ko ng “hard” o Kuwatro Kantos Markang Demonyo – anak ng bakang dalaga! – mabuti pa daw iyong pamilya na iyon pag dating sa hatian ng kickback.

“Kada project na galing sa national government na gagawin sa bayan ko, nagbibigay si ABCD (pangalan ng contractor ni Congressman) ng porsiyento sa akin. Ganoon din ang ginagawa nila sa ibang Mayor dito sa Distrito,” ani ng Alkalde.

Sa palagay ko ginagawa iyan ni Congressman at ng pamilya niya na naging mambabatas rin: Una, hindi siguro sila suwapang sa kita nila sa nakaw; Ikalawa, istrategy nila iyan na makuha ang loyalty ng mga mayors kung sakaling may makakalaban sila sa eleksiyon.

***

Naalaala ko tuloy iyong isang Mayora na mangiyakngiyak na nagsumbong sa akin na matapos ilakad ng ilang taon iyong proyekto sa National Irrigation Administration (NIA) na tens of millions of pesos na project, noong ni download sa DPWH ng Department of Budget ang pondo gusto ng solohin ni Congresswoman ang S.O.P.

“Pinaglaban ko iyong project kasi ako iyong naglalakad at nag follow noon sa Manila pero tinawagan ako at pinagalitan ako ng mister ng Congresswoman na ihinto ko iyong ginagawa ko dahil si mister ko ay nangu-nguntrata rin sa kanila”.

Away ng Narco Cops sa PDEG at ang P6.7- B Shabu

By Mortz C. Ortigoza

Sa hearing kamakailan ng Committee on Dangerous Drugs ng House of Representatives na pinamumunuan ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert “Ace” Barber, pinagsasabihan ni Antipolo City 2nd District Cong. Romeo Acop (dating police Heneral at Hepe ng Inspector General Office) ang nasasadlak na si  Police Col. Julian Olonan (chief of Philippines Drug Enforcement Group (PDEG) Special Operations Unit (SOU) Region 4A) at Police Capt. Jonathan Sosongco (head ng PDEG SOU 4A arrest team) sa mukhang pagku-cover-up nila sa mga totoong pangyayari sa P990 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P6.7 billion na nasamsam sa Wealth and Personal Development Lending Inc. sa Tondo, Manila.

Ang WPD Lending ay pag-aari ni Police Msgt. Rodolfo Mayo. Si Mayo at si Ney Atadero ay kasalukuyang nakapiit sa Bureau of Jail Management and Penology sa Taguig City.



Si Atadero, siya nga pala, ang naunang nahuli at sinundan ng pagkahuli ni Mayo doon sa halos isang toneladang crystal meth o shabu na nakuha ng mga autoridad sa kanyang building.

“So alin ang totoo, October 8 nahuli si Mayo?” tanong ni Acop – na isang abugado – kay Col. Olonan.

“That was the report of my team leader your Honor,” ani Olonan.

“Do you agree with that Lt. Sosongco? Yes or no?” Giit ni Rep. Acop na dating Hepe rin ng Criminal Investigation & Detection Group (CIDG).

Ahhh… No, your Honor,” sagot ni Sosongco sa hearing ng kumite ng Kongreso sa Quezon City.

Ayon sa informant ni Acop ang raid sa pinagtataguan ng shabu sa Pasig ay naging sanhi ng ingitan ng dalawang factions ng mga narco cops sa loob ng PDEG bago mangyari ang raid ng halos isang toneladang shabu sa Tondo.

According to my bubuwit iyon ang precursor ng pag iingitan ninyo sa loob ng PDEG. Ano ang nangyari sa Pasig?”

Iginigiit pero ni Col. Olonan na ang raid sa Pasig ay follow up operation (pagkatapos ng raid sa Tondo) para makapagsamsam pa ng karagdagang bilang ng shabu.

“Iyong sa Pasig your honor is a follow up operation. That was approved by the senior officers of the PNP. Diyan po pumunta ang team ni Col. Ibañez sa Pasig your Honor,” ani ni Olonan.

Si Lt. Col. Arnulfo Ibañez ay officer-in-charge ng PDEG SOU National Capital Region (NCR).

Ayon kay Acop ang raid sa Pasig ng mga taga PDEG ay ikinagalit ni PLt. Col Glenn Gonzales.

Hindi sinagot ni Olonan ang tanong ng Antipolo Congressman.

“Kaya nagkaroon tuloy ng samaan kayo ng loob diyan sa loob. Iyon naman ang katotohanan. Wala lang akong ebidensiya na concrete evidence pero according to my bububwit iyon ang nangyari. Pero iyong October 9 na operation ninyo hindi pala kay Mayo. Tama?,” pangiting tinanong ni Cong. Acop si Olonan.

Bilang isang kumentarista ng diyaryo at blog na ito, ang aking katanungan: Kung hindi pala kay Msgt. Mayo iyong October 9, 2022 raid, ibig sabihin iyong pagsalakay ng mga parak sa kanyang WPD Lending ay ganti ng grupo ni Lt. Col. Gonzales dahil sa pag raid ng bodega nila ng shabu sa Pasig?

“Ano ang epektos nahuli doon? Drugs ba o firearm?” dagdag na tanong ni Rep. Acop.

“Firearm your honor,” ani Olonan.

“Sabi ko na nga e, kasi at the back of my mind parang nagko cover up na kayo, e”.

Anong ibig ng patama dito ni Cong. Acop, na hindi lang baril ang meron doon sa Pasig kundi illegal na druga rin?

Ret. Generals Recall Acorda During Their Stint

 By Mortz C. Ortigoza 

Retired police generals congratulated, well-wish and recollected the days when the newly appointed chief of the 28,000 strong Philippines National Police was a cadet, junior officer and a colonel.

Former Police Major General and Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil told Northern Watch Newspaper that he told Police Director General Benjamin Casuga Acorda, Jr. in a multimedia messaging system (MMS) that he can perform his role because “it appears that he is very supportive to the transformation program of the national government and the PNP in particular”.


GENERALS. Philippines National Police Chief Director General Benjamin Casuga Acorda, Jr. (left photo and clockwise), former PNP Chief Arturo Lomibao and retired Police Major Gen. and Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil.


He lauded too Acorda for his appointment and the trust and confidence bestowed to him by President Ferdinand Marcos, Jr. and the members of Congress.

Bataoil Recalls Acorda PMA Days

Acorda – a member of Class 1991 of the Philippines Military Academy – was a student of Bataoil when the latter a Major was a senior tactical officer of the Academy based in Baguio City in the late 1980s and early 1990s.

“And he is low profile officer,” he recalled the illustrious son of Ilocos Norte when Acorda was a junior officer during his tenure as the police Region-1 Director.

12th Chief PNP Lauds the 29th Chief Cop

The 12th national police chief retired Director Gen. Arturo Lomibao learned from his former security and senior sergeant that the 29th Chief PNP Acorda was his intelligence officer when he was the police regional director of the Ilocos Region 22 years ago.

Chief Master Sgt. Allan Quigao then my security detail, has this to say when I asked him about his former boss in Intel then Colonel Acorda,” Lomibao narrated on his Facebook Account.

“Parang ikaw sir, hindi palaimik, pero mabait at low-profile lang”.

Kamusta naman sa trabaho, hindi ba involved sa (illegal) drugs? I asked further.

“Masipag sir, at wala akong nababalitaan na kalukuhan lalo na sa drugs”

Eh sa chicks,” I joked.

“Iyan Sir ang di ko ma-sure. Intel kasi kaya masekreto,” the Sarge told the four-star retired General.

Lomibao and Acorda are members of the Philippines Military Academy Classes of 1972 and 1991, respectively.

Pangasinan Intel Chief Recollects Acorda’s Stints

Then Lt. Colonel Paterno Orduña remembered Acorda when the former was the chief provincial intelligence officer – law enforcers jargoned it as S-2 – under then Pangasinan Police Provincial Office Director Amado T. Espino, Jr.

Espino who became Pangasinan Governor and Congressman was the classmate of Lomibao at the PMA.

 “Masipag at very low profile. Siya ang madalas mag-lead sa mga combat operations sa western Pangasinan despite his assignment as Chief of Police of Sual Police Station. He followed orders without question nor hesitation pagdating sa operations. He was also instrumental in clearing west Pangasinan of notorious criminal elements when he was assigned as the Chief of Police of Bolinao PS. Kasama namin sa Task Force Highlander. My high regards and my salute to our new CPNP Jun Acorda,”  Orduña– a rock and roll aficionado - cited.

Aside from Sual and Bolinao, Acorda – according to Sta. Barbara Mayor Lito Zaplan - served the first class central Pangasinan town too as its chief of police.

Acorda studied Bachelor of Laws in the 1990s at the University of Pangasinan in Dagupan City.

“He is a Pangasinense by assimilation,” Mayor Bataoil quipped to this writer.

Acorda Eclipses Three Senior Generals

Retired General Lomibao said that during the jockeying for the police’s top post, he thought Acorda was a dark horse because he was then only a two-star general.

The Ilocos Norte native and the presidential province mate prior to his appointment as the Chief of the national police was the head of the Directorial for Intelligence – a feared post because it looks against unscrupulous members of the PNP - based at Camp Crame in Quezon City.

“Tititigan ko lang si General____, Sir, yumuyuko na siya parang feeling may kasalanan,” Acorda when he was D.I Chief told his former head at the D.I retired Police Major Gen. Mariel Magaway (PMA 1986) during the birthday last October 2022 of the latter at his posh residence in Pasig City.

The then two-star general told Magaway that the D.I helped in significantly checking the knaves in the police force.

“He jumped over 3 senior officers occupying 3-star positions. But it’s a given that the president

selects the chief from a field of 1 to 3-star generals,” the Mangaldan, Pangasinan based General Lomibao said.

The former top cop explained that upon reaching the rank of a (one-star) general, the holder is properly equipped with the tools of the trade like experience, knowledge and skills, and he is ready to assume the highest position in the PNP.

 “Perhaps, other generals have more of these qualities but eventually the appointed chief through self-improvement plus mentoring by his elders will eventually gain the wisdom to be able to lead the force, provided however, that he does his job without fear or favor and not lose sight of the national interest”.

The PNP chief is also an ex officio member of the National Police Commission as a commissioner.

Murang mga Kaldero, Kawa, Kawali Gawa sa M'lang

By Mortz C. Ortigoza 

M’LANG, Cotabato – Hindi gaya ng dambuhalang kaldero na nagkakahalaga ng P50 million na ginawang pang ilaw sa 2019 Southeast Asians Game (SEAG) sa Capas, Tarlac, dito sa first class na bayan na ito ang mga kalderong ginagawa ay nagkakahalaga lamang ng P925 sa pinakamalaki. Ganoon din sa mga kawa at kawali na may ibat ibang presyong mapapamura ka dahil sa sobrang mura.

WARES. Some of the kitchen products like cauldron and frying pan manufactured by Machora Enterprises in Brgy. Tawantawan, M’lang, Cotabato Province. Photo at the bottom right shows the molders used by the Machora to make those wares.
 

Ayon kay Sales Executive Quirico “Ontoy” Reales ang Machora Enterprises na pag aari ng kanyang kapatid na si Mechanical Engineer Raul Reales ay nakakapagbigay ng humigit-kumulang 40 trabahante na halos galing sa agricultural na bayan na ito sa Central Mindanao.

“Umabot ang delivery namin sa Cagayan de Oro, Zamboanga at Basilan,” ani Ontoy Reales sa Northern Watch Newspaper.

Ang Machora Enterprises ay may tatlong closed van delivery trucks na ginagamit para maibiyahi sa mga lugar na ito at iba pa sa Mindanao ang mga gawa nilang de kalidad na mga gamit pangluto.

Ani Sales Agent Reynaldo “Toto” Canoy, bayaw ng dalawang Reales, ang mga gamit na ito ay gawa sa aluminyo na kung saan binibili nila sa halagang P90 kada kilo sa delivery man na pumunta dito sa M’lang – isang Christian dominated town.

 Mga halimbawa ng aluminyo ay iyong mga galing sa lata ng mga soft drinks at beer. Sila ay tinutunaw gamit ang blower na nagpapalakas sa apoy habang pinapatuluan ng used oil nagpapapatunaw “o nagpapa-sabaw” ang mga aluminyo, ani Ontoy Reales.

Dagdag ni Canoy, ang wholesale na bentahan nila ng kaldero ay P185, P175, P155, P140 at P120 kada isa magmula sa pinakamalaki papuntang pinakamaliit.

‘Ganoon din ang presyo ng kawali – na tawag sa Ilonggo ay karaha – na ka presyo ng kaldero,” paliwanag ni Canoy.

Ang mga kawa naman ayon sa pinakamalaki papuntang pinaka maliit ay P1,880, P639, P470, P280 at P230 kada isa na wholesale price din.

Ang mga malalaking kaldero ay binebenta nila ng P925 hanggang P825.

“1,200 na kaldero at iba pa ang nagagawa namin kada araw,” ani Canoy.



Nakikita ng writer na ito kung paano hinuhulma, binubuhusan ng liquid na aluminyo, pinapakintab ang mga gamit na ito ng mga trabahante sa pamamagitan ng sari saring makina para sa kasiyahan ng mga customer nila.

Dahil kay Engineer Raul Reales hindi na kailangan ng mga residente dito na lumuwas pa sa mga lungsod ng Mindanao o Metro Manila para makapaghanap ng trabaho.

Mabuhay ang mga Reales entrepreneur na tumutulong sa pag-usbong ng bayan na ito!