By Mortz C.
Ortigoza
Ang Pilipinas at Indonesia na daw ngayon ang may pinaka maraming
mahihirap sa ASEAN 10 ayon sa United Nation Development Program (UNDP) na
sinulat sa Philippine Star.
Ang ASEAN 10 ay kinabibilangan ng Singapore, Malaysia, Vietnam,
Philippines, Indonesia, Brunei, Thailand, Myanmar (Burma), Cambodia, and Laos.
Mantakin ninyo ba naman sa declaration ng UNDP pati si Laos na matagal
ng panahon na laos sa kahirapan tinalo at nila-os na niya now si Pinas sa dami
ng mahihirap, anak ng bakang dalaga!
Glaring Poverty in the Philippines. Photo Credit: RC |
Ang dahilan kung bakit dumami ang mahirap sa bansa natin ay dahil
lumubo ang population natin sa 103.3 million noong 2016 (World Bank), iyon ang
sumaling kaagad sa isip ko noong binabasa ko ang news article.
Parang rabbit kasi ang Pinoy pag nanganganak! Tapos kung sino pa ang
pobre iyon pa iyong madaming anak. Sobrang fertile naman ni tatay at ni nanay –
rabbit nga!
Pero noong kino-compute ko ang figures ng population ng mga selected na
bansa sa ASEAN 10 mukhang mali ang computation ng UNDP na mas maraming mahirap
sa Pilipinas kung ikumpara natin ang Per Capita Income versus sa Laos.