Senator Alan Peter Cayetano (R) in one of his interviews by Mortz C. Ortigoza, columnist of Northern Watch. |
Interview held recently with Senator Alan Peter Cayetano by Mortz Ortigoza (Professor, Political Science), Yolly Sotelo (Philippine Daily Inquirer) and Eva Visperas (Philippine Star).
Excerpts:
Mortz C. Ortigoza (MCO): Sir, sabi ng MILF (Moro Islamic Liberation Front) dapat daw iyong BBL (Bangsamoro Basic Law) lock, stock, and barrel na ipasa ng Congress, paano iyan pag ni-watered down ng Congress kasi galit sila doon sa ginawa ng MILF sa SAF (Special Action Force) -44, gigiyerahin na nila tayo nito?
ALAN PETER CAYETANO (APC): Ang peace process ay parating binabalanse sa national security. Kaya ako nakikipagpasok ng peace para walang gulo. Pero iyong pinasukan mo ng peace ay mas malakas sa iyo, e paano kung agawin nila ang buong Mindanao? Paano kung maging haven ng terrorism o may criminal syndicate ang lugar nila? So iyong issue ng national security, hindi mo puweding alisin. Kung titingnan mo ang BBL sa present form niya ay masyadong dehado ang gobierno at ibat-ibang mga regions around the country. For example, ang police force nila 4000 to 8000 nasa ilalim ng chief minister nila. Wala ito sa PNP (Philippine National Police), so iyong paghati-an ng natural resources naririnig niyo iyong sinasabi ko kung kanino iyong all other region 2% to 4% gets but Metro Manila gets 34%. Pero sa batas na ipapasa ang BBL lahat ng natural resources nandoon kontrolado nila . So sila ang yayaman ng husto, paano naman iyong the rest of Mindanao? Wala iyong kabalance, gusto natin umunlad ang lugar nila. Mabuti kung ibibili doon ng classrooms, hospitals. Paano kong baril ang bilhin nila? Kaya ang sinasabi natin i-resolve ang Mamasapano bago natin pasukin ang BBL. Kasi kung si Marwan na $5 million nakapatong sa ulo ang hindi nila hinuli hindi nila pina-alis sa lugar nila, ano ang kasiguruhan natin ngayon, pa na ang BBL pinasang ganyan ang mangyayari there. So maraming sub issues is kailangan muna natin binanggit, but we have to see na sincere sila sa process.