By Mortz C. Ortigoza
Ayon sa Political Operator na kausap ko, ang isang tumatakbong Congressman na bibili ng boto sa mga botante para manalo ay kailangan lamang niya ng 85% ng registered voters sa isang distrito.
Halimbawa: Kung ang botante sa isang Congressional
District ay may 266,894 voters - from the 85% of
313,994 voters, kung tig P1,000 ang pakurong (o gapangan
in the eve of the May 9, 2022 National and Local Election) ang isang
congressional candidate na gaya ng sitwasyon ko sa itaas ay kailangan gumastos
ng P266, 894,000 o P133,447,000 pag ang bigayan ay P500 kada tao.
Usually 80% to 85% lang ang bumuto, ani ng source ko na isang Congressman.
“Except sa isang disrict, karamihan sa mga districts ay isang
wave lang ang bilihan ng boto,” ika niya noong sinabi ko na sa
isang siyudad sa Pangasinan isang buwan bago mag election namimigay
na ng isang sakong premium na bigas na 25 kilos, 30 canned goods kung saan
10 ang corned beef, noodles, mga 3-in-1 na kape, at iba pa.
Isang linggo mag election ang nasabing kandidato
ay ni meeting ang mga taga barangays at kasama ang congressional
candidate, vice mayor bet niya at sila ay namigay ng tag P300, P500, P500,
respectively na naka sobre kasama ang mga decals o papelitos nila sa mga tuwang
tuwang na bobotante at mga professional voters.
Noong bilihan na ang bigayan sa mga nakalista na voter ay
P2,500. Ang kuwenta ko mga halos P5,000 ang ginastos ng tumatakbong mayor
na ito o half-a billion sa 85% na mga registered voters sa puwesto na
nagbibigay lamang ng more or less P150,000 anak ng bakang
dalaga kada buwan sa tatlong taong term of office.
Ang kalaban niya ay libo-libo rin ang ginastos kaya sobrang
tuwa ng mga tao na iyong iba na nakaregister sa ibang bayan na meron ding bahay
sa siyudad na ito ay nagpapa register na ngayong taon bago maabutan ng six
months’ prohibition ng Commission on Election (Comelec).
“Ala ey kadaming pera naman ere saan galing ang mga iyan?”
tanong ng kaibigan kung Batangueno.
Wika ko sa kanya ang iba may mga milyon at bilyon na yaman
na, iyong ibang kandidato – na karamihan sa mga tumakbo - galing sa dugas at
nakaw sa kaban ng bayan ang pinagtutustos sa election.
Kaya pag ikaw ay incumbent na Congressman o Mayor at ikaw ay
natalo sa eleksiyon – Diyos ko po, nakakahiya!
Bakit? Iyong kalaban mo kung sa boxing pa ay
challenger iyong pinamumudmod niyang pera ay galing sa bulsa niya. Ikaw na
incumbent ang ginagamit mo ay ang perang binahagi ng gobyerno sa mga social
services at public relation offices mo hindi pa kasali diyan iyong 20 percent
na tong -pats o S.O.P mo na dahilan na tinawag kang Korean ng mga contractors
ng government projects.
“Magkano Korean este ko riyan,? Tanong ng isang
nakaupong elective official sa contractor na gumagawa ng substandard
at baku- bakong kalsada sa isang congressional distrit sa
Central Pangasinan.
“Maganda dito libo-libo ang makakuha mo sa dalawang
kandidato hinde gaya sa bayan namin timba at may lamang isang kilong karne
galing sa mga mapera na tumatakbong Councilor at isang libo lang sa tumatakbong
mayor,” sabi ng kilala ko.
“Iba kasi ang waves sa siyudad maliit ang area madaling e
mobilize ang tao. Sa congressional district malawak kasi marami siyang
sakop na bayan may siyudad pa,” ika ng Operator na nagsasabi na typical one
wave lang ang vote buying na puwede sa congresisonal election.
***
Sa May 2022 election dito natin malalaman kung ang talino at
performances ay wala ng silbe dahil karamihan sa mga Filipino ang iboboto ay
ang mga galanteng nagbibigay ng maraming datung.
Noong 2016 election nangyari iyan sa isang kandidato,
hundreds of millions ang ginastos niya isang taon bago mag election. Isang
linggo bago mag botohan nagipit na siya ng pera. Ang kalaban na beterano - na
patawatawa lang habang nagtatapon ng datung kaliwa’t kanan ang unang
kalaban - ay gumastos sa bilihan ng boto a week bago mag election. Nanalo
siya.
“Tama iyan. Ang mga botante kasi matatandaan ka nila kung
binigyan mo sila kahapon o noong makalawa. Kahit P300 lang ibinigay mo at iyong
kalaban mo nagbigay ng P500 noong nakaraang buwan ikaw na P300 ang iboboto
nila,” isang beteranong mayor – na maraming kabit - sa Pangasinan ang
nagsabi sa akin sa art of vote buying kung saan umiiral ang retentive memory ng
voter sa giver.
READ MY OTHER BLOG:
How Mayor, Guv, Solon Steal to Fund Their Election
Follow me on Twitter Send me a secure tip.
MORTZ C. ORTIGOZA
I am a twenty years seasoned Op-Ed Political Writer in various newspapers and Blogger exposing government corruptions, public officials's idiocy and hypocrisies, and analyzing local and international issues. I have a master’s degree in Public Administration and professional government eligibility. I taught for a decade Political Science and Economics in universities in Metro Manila and cities of Urdaneta, Pangasinan and Dagupan. Follow me on Twitter @totoMortz or email me at totomortz@yahoo.com.