Boxing analysts nagdebate kung dapat ba ang Part 5 na Pacquiao-Marquez fight
By Bombo Radyo -Philippines
Hindi magkamayaw ang mga local boxing analysts sa pag-analisa sa laban ni Manny Pacquiao lalo na kung dapat bang mangyari ang ika-limang laban kay Juan Manual Marquez.
Ayon sa kilalang boxing expert na si Atty. Ed Tolentino, para sa kanya ay dapat na mag-retire na si Manny.
Pero kung hindi maiiwasan, ang ika-limang laban kay Marquez ayon kay Tolentino ay dapat na magsagawa muna ng tune-up fight si Pacman para bumalik ang kumpiyansa.Ang dapat harapin muna ni Pacman ay hindi kasinggaling ng Mexican warrior.
Para naman kay Pacquiao handa siya sa ikalimang laban pero depende pa rin sa kanyang promoter. Inihayag naman ng sportswriter at analyst na si Ronnie Natanielsz, dapat bigyan ng daan si Manny na magdesisyon kung magreritiro ba. Kawawa rin umano siya Pacman kung hindi maibabangon ang kanyang sarili.
Para naman sa sportswriter na si Edwin Espejo, sinabi nito na ilang beses na ring bumangon sa knockout noon si Pacman. Pero sa ngayon hindi na bata si Pacman.
Sinabi ni Mortz Ortigosa kilalang boxing analyst sa Pangasinan, bagamat tumatanda na si Pacman mag-aakyat pa ito ng maraming pera sa boxing industry at kumikita pa ang mga laban nito.
Tinawag naman ng dating gobernador at boxing manager na si Manny Piñol na isang "suicide" kung lalabanan pa uli ni Pacquiao si Marquez. Binatikos ni Piñol ang nagsasabing ang tumama kay Pacman ay isang lucky punch mula kay Marquez.
Giit ni Piñol na isa ring boxing, sa boksing umano ay walang lucky punch dahil pinapakawalan ito na may target.
Ito rin ang pananaw ni Natanielsz at Recah Trinidad. Ani Piñol, kung ang isa umano ay makaiwas sa suntok, matatawag na swerte ang boksingero.
Ayon pa kay Piñol kung tamaan ang isang boksingero ng suntok, simple lamang ito, mabagal siyang umaksiyon sa atake ng kalaban. Labis namang ikinalulungkot ni dating Bacolod Rep. Monico Puentevella ang masaklap na pagkatalo ni Pacquiao. Ayon sa sportsman, nangyari na ang kinakatakutan ng Pilipinas na darating ang panahon na mananamlay ang boxing career ng Pinoy ring icon.
Kaugnay nito, pinayuhan ni Puentevella ang malapit niyang kumapare na pag-isipan na ang pag-retire sa boxing at maawa ito sa kaniyang katawan.
Aniya, kung gusto pa ni Manny ng rematch ay ito na lang ang pinakahuli na at huwag ng pag-isipan pa ang laban kay Floyd Mayweather Jr.
Naniniwala naman ang ilang observers, na mismong si Marqez ay baka hindi rin na pumayag sa laban pa na Part 5 kay Pacquiao dahil nakuha na niya ang gusto niya sa isang paraan na hindi na maaaring makuwestyon pa.