Sabado, Mayo 20, 2023

Murang mga Kaldero, Kawa, Kawali Gawa sa M'lang

By Mortz C. Ortigoza 

M’LANG, Cotabato – Hindi gaya ng dambuhalang kaldero na nagkakahalaga ng P50 million na ginawang pang ilaw sa 2019 Southeast Asians Game (SEAG) sa Capas, Tarlac, dito sa first class na bayan na ito ang mga kalderong ginagawa ay nagkakahalaga lamang ng P925 sa pinakamalaki. Ganoon din sa mga kawa at kawali na may ibat ibang presyong mapapamura ka dahil sa sobrang mura.

WARES. Some of the kitchen products like cauldron and frying pan manufactured by Machora Enterprises in Brgy. Tawantawan, M’lang, Cotabato Province. Photo at the bottom right shows the molders used by the Machora to make those wares.
 

Ayon kay Sales Executive Quirico “Ontoy” Reales ang Machora Enterprises na pag aari ng kanyang kapatid na si Mechanical Engineer Raul Reales ay nakakapagbigay ng humigit-kumulang 40 trabahante na halos galing sa agricultural na bayan na ito sa Central Mindanao.

“Umabot ang delivery namin sa Cagayan de Oro, Zamboanga at Basilan,” ani Ontoy Reales sa Northern Watch Newspaper.

Ang Machora Enterprises ay may tatlong closed van delivery trucks na ginagamit para maibiyahi sa mga lugar na ito at iba pa sa Mindanao ang mga gawa nilang de kalidad na mga gamit pangluto.

Ani Sales Agent Reynaldo “Toto” Canoy, bayaw ng dalawang Reales, ang mga gamit na ito ay gawa sa aluminyo na kung saan binibili nila sa halagang P90 kada kilo sa delivery man na pumunta dito sa M’lang – isang Christian dominated town.

 Mga halimbawa ng aluminyo ay iyong mga galing sa lata ng mga soft drinks at beer. Sila ay tinutunaw gamit ang blower na nagpapalakas sa apoy habang pinapatuluan ng used oil nagpapapatunaw “o nagpapa-sabaw” ang mga aluminyo, ani Ontoy Reales.

Dagdag ni Canoy, ang wholesale na bentahan nila ng kaldero ay P185, P175, P155, P140 at P120 kada isa magmula sa pinakamalaki papuntang pinakamaliit.

‘Ganoon din ang presyo ng kawali – na tawag sa Ilonggo ay karaha – na ka presyo ng kaldero,” paliwanag ni Canoy.

Ang mga kawa naman ayon sa pinakamalaki papuntang pinaka maliit ay P1,880, P639, P470, P280 at P230 kada isa na wholesale price din.

Ang mga malalaking kaldero ay binebenta nila ng P925 hanggang P825.

“1,200 na kaldero at iba pa ang nagagawa namin kada araw,” ani Canoy.



Nakikita ng writer na ito kung paano hinuhulma, binubuhusan ng liquid na aluminyo, pinapakintab ang mga gamit na ito ng mga trabahante sa pamamagitan ng sari saring makina para sa kasiyahan ng mga customer nila.

Dahil kay Engineer Raul Reales hindi na kailangan ng mga residente dito na lumuwas pa sa mga lungsod ng Mindanao o Metro Manila para makapaghanap ng trabaho.

Mabuhay ang mga Reales entrepreneur na tumutulong sa pag-usbong ng bayan na ito! 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento