Sabado, Pebrero 7, 2026

Ranger Capt Pinapain ang Tao para Makita ang Sniper

 

Ni Mortz C. Ortigoza

 NAGTATAKA ako kung bakit tuwing Sabado o Linggo ay may mga kadete na nanananghalian at nagpapalipas ng hapon sa mga bahay ng aming mga kapitbahay na mga sundalo noong kabataan ko sa Philippine Military Academy sa Baguio City.

BAIT. An elite member of the Scout Ranger aims his Armalite rifle to a sniper of the Moro National Liberation Front (MNLF) hiding at the top of the coconut tree while firing to a running Ranger below. The Ranger is a bait for his companions to locate the rebel and neautralize him just like what Pangasinan Cong. Leopoldo Bataoil (PMA 1976) narrated to this writer about the feat of legendary Scout Ranger Major Gen. Julius Javier (PMA 1970) in the 1970’s Moro Secessionist War in Jolo.


“Mga foster brother sila,” sabi sa akin ng magandang dalagitang kapitbahay namin na naging Heneral kalaunan sa mga First Class Men (o graduating o fourth year college sa pedestrian na nagbabasa ng blog na ito).

Marami sa mga kadeteng ito ay nagmula sa mga pamilyang mahirap sa mga lalawigan ngunit nakapasok sa elite military school dahil sa kanilang katalinuhan lalo na sa matematika noong high school o noong college sila.

Ang ilan sa kanila ay naging mga mister ng mga anak (kanilang foster sisters) ng mga opisyal at enlisted men (di opisyal) sa PMA.

Ang aking pinsang babae na si Darcy ay iniimbitahan ang mga Ilonggo na mga kadete sa loob ng white and green na quarter o bahay namin upang makasalimuha nila na ang aking Ama na ipinanganak sa Fabrica, Negros Occidental at lumaki sa Jaro, Iloilo City --- linintian gid To’!

 

SCOUT RANGER MAJOR GEN. JULIUS JAVIER

“Iyon si Julius Javier (PMA Class 1970 na nagmula sa Negros Occidental), siya ang Goat (ang kadete na nagtapos na pinakahuli sa kanyang buong klase),” bulong ng aking pinsan noong magpaalam na sina Javier at ang kanyang mga kaklase sa aking Ama.

Hindi lang naging isa sa mga pinakasikat na Army men si Javier kundi naging buhay na bayani ng Black Panther Scout Ranger (itinatag ni Army Gen. Rafael Ileto (USMA -West Point Class of 1943) noong Nobyembre 25, 1950) dahil sa kanyang katatagan sa pakikipaglaban sa mga rebeldeng Moro sa Mindanao at mga gerilya ng Komunista sa Pilipinas. Si Javier ang naging commanding general ng kinatatakutang elite commando na ang buhay niya sa pakipagbakbakan ay isinalaysay sa pelikulang "Scout Ranger" noong 1979 na pinagbidahan nina actors Karate King Roberto Gonzales, Dante Varona, at Philip Gamboa.

POWERFUL FAL. A fighter of the Moro National Liberation Front with FN FAL G1 battle rifle. In the 1970s and 1980s, oil rich Libya Strongman Muammar Gaddafi supplied the MNLF with thousands of these more powerful rifles than the Philippines military Armalites to bolster their armed struggle against the Christian Marcos Government whom Gadaffi detested because of wanton persecution of the Muslims in Mindanao. These Belgian and Russian made weapons were routed through Muslim Sabah, Malaysia significantly strengthened the Moro fighters’ arsenal during the early years of the conflict (Photo grabs from the internet)


Napanood ko iyon sa Sulo Movie House sa M’lang noong kabataan ko noong madestino ang Tatay ko sa Awang Air Base sa Dinaig, Maguindanao.

 

SIYA LANG ANG DI NATAMAAN NG BALA

Isinalaysay ni Javier sa isang panayam na noong tambangan ang kanyang trak (tinatawag naming Six by Six habang lumalaki kami sa PMA sa Baguio City at sa Cotabato) na puno ng Scout Rangers sa Jolo noong 1973, lahat ng sundalo ay nalipol maliban sa kanya at sa dalawang sugatang Ranger.

"Agad namatay ang driver sa mga putok. Nasa tabi niya ako habang ang mga bala ay tumatalbog sa itaas ng aking ulo habang ako'y yumuyuko," paggunita ng Heneral noong batang First Lieutenant pa siya mula sa Negros Occidental sa kanyang Tagalog na may Ilonggo accent.

 

Army Major General Julius Javier (PMA 1970). Photo grabs from the internet 


Sinabi niya na patungo sila sa isang lugar na dalawang kilometro ang layo mula sa kanilang main camp nang sila ay tambangan.

"Sinabihan ko ang dalawang sugatan na maghintay sa pagdating ng mga rebelde bago kami magpaputok. Alam namin na ang mga mandirigmang Moro ay hindi lang nila pinapatay ang mga nakaligtas kundi pinupugutan pa nila ng ulo. Noong dumating ang dalawang APC (armored personnel carriers) pagkatapos nilang mag-radio para sa reinforcement, isang Sarhento -- ang driver ng isa sa mga APC -- ang sumigaw sa mga sundalong nagtatago sa mga talahiban o kakahuyan na malapit sa trak na tumaob na pumasok sa loob ng APC para makatakas kaagad sila sa lugar na umuulan ng mga bala mula sa kalaban,” salaysay niya.

Sa halip ay nag yeoman’s job ang Ilonggong Tenyente sa pamamagitan ng pagtalon at paggapang sa likod ng Six by Six at pagdala ng mga bangkay ng mga sundalo sa loob ng U.S. made armored vehicle habang ang 50 caliber machine gun nito ay walang tigil na nagpapaput*k sa mga rebelde na nagtatago sa kung saan.

Hinangaan ni Javier ang driver ng APC dahil sa kanyang pambihirang kagitingan sa paglabas mula sa bullet resistance carrier at inilagay ang sarili sa bingit ng kamatay*n sa pamamagitan ng pagtulong sa pagkuha ng mga sugatan at mga bangkay.

"Gumapang kami pabalik-balik sa ilalim ng proteksyon na kumot ng 50 (machine gun). Nakuha ko rin ang isang bag na puno ng pera para sa gamit ng mga tropa sa pupuntahan namin," paggunita niya.

 

DUGO AT UTAK NG TAO SA DAMIT NIYA

Aniya ang insidenteng iyon ang nagpasikat sa kanya kung saan naging paksa siya na meron siyang agimat o anting-anting (tulad ng kanyang kapwa Ilonggo at kababayan ko sa M'lang Cotabato na si dreaded paramilitary Kumander Toothpick – ang kilalang Moro Killer) dahil lahat ng nasa trak na mga kasama niya kasama na ang isang batang Second Lieutenant (marahil isang bagong graduate ng PMA) na dapat sa harap sumakay pero piniling tumabi sa mga enlisted men sa likod ay tinamaan maliban sa kanya.

Facebook's posts of Philippine Army's hero retired General Julius Javier to me and my brother Gabriel Ortigoza, an Airborne and former Military Professor at the Philippine Military Academy - the place where we were born. You can read the article of these FB's exchanges at Shocked mailman, wife invited to presidential dinner

"Noong dumating 'yong dalawang APC sa kampo ako 'yong unang bumaba, nagulat lahat dahil buong damit ko magmula sa itaas ay puro dugo at may mga naiwan pa na mga utak ng mga sundalo," paggunita ng matigas at matapang na Scout Ranger.

 

PINAPAIN ANG TAO PARA MATUKOY ANG SNIPER

"Kung ang PC (Philippines Constabulary na pinalitan na ng Philippines National Police) ay may mga tulad ni Colonel Amado Espino habang ang iba pang sangay ng serbisyo ay may kanya kanyang mga bayani. Kilala niyo ba Sir ang hero ng Army na si Julius Javier (PMA '70) at ang maalamat na Kanyonero na si Army General Rodolfo Canieso (PMA '56)?" tanong ko kay Pangasinan Congressman Pol Bataoil habang naghihintay kami sa limang Bell at Sikorsky helicopters (tag aapat ang rotor blades at tig dalawa ang mga makina ng kada isa) para sa pagbisita noon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pantalan ng Sual, Pangasinan.

"Si Julius Javier may pelikula pa na pinamagatang 'Scout Ranger’” masigla kong sinabi.

Si Bataoil, isang retiradong two-star police general, ay mariin na sumagot.

"Kahit bilang company commander ay sumasama siya sa patrol at nakipaglaban sa mga rebeldeng Muslim sa Mindanao. May insidente kung saan ang mga sniper ay nagtatago sa mga puno sa kagubatan at binabaril nila ang di makausad na tropa."

Balik tanaw ni Bataoil kung paano inutusan ni Javier ang isa sa kanyang mga tauhan na tumakbo bilang pain para sa sniper.

"Lumaki ang mata ng takot na takot na batang sundalo ngunit kailangan niyang sumunod habang tumatakbo habang tinitira siya ng sniper habang tinitingan maiigi ni Javier kung saan nagmula ang mga putok sa itaas ng mga kakahuyan at pagkatapos ay binabar*l na niya ang lokasyon ng sniper."

Minsan ang sniper, dagdag ng Kongresman, ay hindi matamaan at kinailangan niyang mag-utos ng isa pang sundalo na tumakbo bilang pain.

Isang sundalo na takot na nagsabi na mamamatay siya at ayaw niya maging pain. Sa galit ni Julius Javier sinabihan niya ang sundalo na siya (Javier) ang tatakbo at iyong batang sundalo ang babaril sa sniper. Pagkatapos niyang tumakbo at magtago, sumigaw siya sa nasabing militar kung natamaan niya ang shooter mula sa Moro National Liberation Front (MNLF).

"Hindi po Sir!" tugon ng sundalo.

Hiniling ni Javier sa sundalo na tumakbo bilang pain. Nag-alinlangan ang Scout Ranger.

"Sumigaw si Javier 'pag di ka tumakbo, ako ang babar*l sa iyo!” ani Bataoil sa akin.

Walang nagawa ang batang sundalo at sumunod na lang sa utos ng legendary Scout Ranger habang inaasinta niya sa mga puno ang kanyang M-16 Armalite rifle para matimbog ang marksman ng Moro.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento