Biyernes, Agosto 11, 2023

Mayor Sinisigawan, Pinapalayas ng Vice Mayor sa Sesyon

 By Mortz C. Ortigoza

BINMALEY, Pangasinan – Galit na humarap sa isang press conference ang mayor ng bayan na ito matapos siyang palabasin at bastusin kamakailan ng vice mayor sa loob ng sesyon ng Sangguniang Bayan (SB) dito.

“Tingnan po natin Vice Mayor baka sakali gisingin kita sa pagkakamali mo na ikaw ay hindi ka dapat magmura sa ating mayor. Hindi dapat palabasin ang mayor sa session hall. I have also the power na ako ang pweding umatend diyan sa dahilan na that is a supplemental (budget hearing) to support kung meron kayong katanungan ang dapat ko sagutin kung hindi masagot ng ating budget officer,” diin ni Mayor Pedro “Pete” Merrera sa kay Vice Mayor Simplicio “Sam” Rosario na isang mahigpit na political rival matapos mag-krus muli ng landas  sa loob ng session hall ng SB dito Miyerkules ng hapon.


                                  V I D E O



Matapos kilalanin ni Rosario - na nakaupo sa rostrum - ang presensya ng nakatayo na may hawak na mikropono na si Merrera, tinanong ng huli bakit tinawag sila ng vice mayor na manloloko noong sabihin nito kay Budget Office Head Engr. Jeffrey delos Angeles sa nakaraan na hearing na gustong e-revert ng alkalde ang planong pagbili ng P39 million heavy equipment’s Excavator kapalit sa paglipat ng halaga sa P71 million na urgent proposed supplemental budget sa mga social services dito.

MAYOR MERRERA: I am very sad today the Vice Mayor saying na manloloko kami..

VICE MAYOR ROSARIO: Ya..O..

MAYOR: We are not manloloko..

VICE MAYOR: Yes…

MAYOR: Give us respect also. I am the Executive you give also respect. If you’re giving full (by pointing to Budget Head Delos Angeles who was seated) sabihin niyo nanloloko!

VICE MAYOR: You stopped it. I’ll be the one to ask. Jeff e admit sabihin niyo sa lahat iyan coming from his own mouth. Sabi niya baka e –revert iyan (P39 million budget for the heavy equipment’s Excavator). O! Di ko alam iyan. That’s why I am asking the Budget Officer why sinabi niya dito sa amin sa body..

MAYOR: Ya..

VICE MAYOR: Di ba nanloloko nagpapagod kami…

MAYOR: May I ask…

VICE MAYOR: Mayor sandali! You’re here in the S.B..

MAYOR: Yes, I know I know. What is…

VICE MAYOR: Please respect the Sangguniang Bayan..

MAYOR: I’m giving respect you’re not giving respect..

VICE MAYOR: No! I respect you that’s why you’re here.

FEMALE VOICE: Okay let’s settle down first..

VICE MAYOR: I will not give my respect kasi nagsasalita ka e! YOU GET OUT HERE! (beating hardly the wooden gavel to the sound block). YOU GET OUT HERE!

FEMALE VOICE: Point of order!

VICE MAYOR: This is Sangguniang Bayan (inaudible), O common!

FEMALE VOICE: Point of order let's stoppied it!

VICE MAYOR: You're not under us! Huwag mong ipakita na hawak mo kami dito. NO!

(beating hardly the wooden gavel to the sound block).

MAYOR: No, no, no!

VICE MAYOR: GO OUT! I tell you to go out!

Ang budget ay gagamitin sa gastusin sa gasolina ng municipio, tubig, supplies, motorized bangka, training at seminars, persons with disability, local council for the protection of children, crisis situation, scholarship program P5,000 (monthly) stipend, senior citizens at iba pa.

“Oo. Sabi ko sa kanya iyang panloloko pati ako kasi budget office iyon ibig sabihin lahat ng bagay na gusto natin mangyayari rito ako ang nagsasabi which is the priority,” noong tanungin ng Northern Watch Newspaper kung si Angeles ang pinagsabihan ni Rosario.

Bilang isang dating nine years’ vice mayor, pinayuhan ni Merrera si Rosario – isang dating 15 years na alkalde – kung paano magpatakbo ng isang committee hearing.

“Ako ang tatanungin mo ganito iyon Vice Mayor makinig ka para at least alam mo. Alam mo you preside andoon ka alam mo na that’s a committee you addressed the Committee Chairman Buday Cagaoan: “Councilor Buday the committee chairman I relinquished my position as the presiding officer and let our chairman to be one to preside because this is a committee hearing”. Ni-admit mo sa iyong sarili na this is a committee hearing. O, how come you’re still presiding na alam mo na this a committee hearing? This is already a violation of the Internal Rules and Procedures? What is your duty as a VM when this is a committee hearing?”

Ani pa ni Merrera noong siya ay vice mayor hindi niya ginawa na e “usurped” o agawin ang kapayangyarihan ng committee chairman.


“Kahit isa ni hindi ko ginawa iyan. Sabi ko pa nga: Can I joined this committee hearing if granted by the Sangguniang Bayan and so be it I will attend this hearing if not then I’ll go out in respect to the committee”.

Dagdag pa ni Merrera na siga pala si Vice Mayor Rosario taliwas sa sinasabi ng huli sa kanya “na  pala mura” noong siya ay vice mayor pa at mayor noon si Rosario.

“Mahiya naman kayo Vice Mayor! Tingnan ninyo naman ang actuation ninyo? Akala ko parati mo sinasabi iyang si vice mayor (Merrera noon) iyang si vice mayor nagmumura, ikaw pala ang nagmumura e! Ikaw na pala ang nambabastos sa mga tao, ano? Ako na nga ang mayor binastos mo! How much more sa lahat ng mga tao sa bayan kung wala kang respeto sa mayor mo! How much now with our constituents?”

Kahit sinabi na ni Merrera na siya ay makikinig na lang ng hearing ng Committee of Appropriation, hindi pa rin siya pinakinggan ni Rosario na ilang beses hinampas na malakas ang wooden gavel sa sound block at sumisigaw ng ilang beses ng “stopped it!” para patahimikin ang alkalde at e- postphone ang sesyon. Dalawang konsehales ang nag motion to adjourn at sinang-ayunan ng isa kaya hindi na natuloy ang sesyon. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento