SA USAPING VOTE-BUYING
By Mortz C. Ortigoza, M.P.A
Sa isang huntahan sa isang natalong mayoralty candidate noong magkita kamo sa isang social function, ito ang isang tanong ko sa kanya:
“Magkano ang bilihan ng boto sa bayan ninyo at kayo ay natalo?” tanong ko sa pulitiko na kilala sa Northern Luzon ang kanyang maperang political family.
“Dalawang libo isang linggo bago mag eleksyon,” tugon niya.
“Bakit isang linggo bago mag eleksiyon. Dapat sa eve ng eleksyon kayo namumudmod ng pera?” ang tanong ko.
Aniya natatakot sila ng pamilya niya kasi ang kalaban nila sa pagka alkalde ay malakas sa Police Provincial Director (P.D for brevity) na kayang utusan ng patron niyang pulitiko na hindi sila maka vote buying sa gabi na iyon.
Ani ng nakapanayam ko ang kalaban ng gabi bago mag eleksiyon ay nagpabaha ng P5,000 sa bawat botante sa maliit na bayan na may more or less 28,000 voters.
P5000 multiplied by 23, 800 voters (85% of the 28,000) equals P119 million.
Plus iyong P2,000 multiplied by 85% equals sa dumadagundong na P47.6 million.
Itong bilihan lang ng boto dito sa itaas na computation ko ay nakakalulang P166.6 million na Por Diyos Por Santo!
Eighty five (85) percent po ang ginamit ko na computation dahil iyon ang traditional na bumubuto sa tuwing may election.
Hindi pa dito kasali ang mga panghimagas na bigayan ng pera ilang buwan o linggo bago magka eleksiyon.
Ang first class town mayor ay sumusuweldo lamang ng P130, 423 (third year of his one year term) o P1, 695, 499, 00 (a year and including his 13th month pay) o P5,086,497,00 sa tatlong taong term niya na may Salary Grade 27 na.
Bakit siya at mga ibang Alkalde sa Pilipinas ay kailangan pang gumastos ng ganitong kalaking yaman P119 milyones e wala pang P6 million ang kikitain ng isang first class town mayor sa tatlong taong term nila?
Siguro merong gabundok na salapi na tumataginting ang bayan na kayang mabawi ang mga perang pinagtatapon nila sa mga gutom na bobotantes.
DAHIL KAY P.D NATALO SI MAYOR
Another example kung gaano ka lawak ang kapangyarihan ng PD sa pagsupil sa mga may sala pag eleksiyon.
Noong Provincial Director pa si Brig. General Marlou Chan na namatay sa assassination – Colonel pa ang ranggo noon sa Pangasinan – umiiyak sa galit ang isang Mayor dahil hindi siya makabili ng boto laban sa kanyang Vice Mayor na sumagupa sa kanya sa mayoralty election. Both of them mga bilyonaryo.
Ang naghihinagpis na alkalde ay kayang magpakawala ng P5,000 per voter noong 2013 National and Local Election pero hindi niya kaya kasi pag nagpapakurong (vote buying in Pangasinan) sila andiyan na ang police na kukunin ang mga pera nila at ipakukulong pa iyong mga tig bili ng boto niya.
“Madaling talunin itong kalaban ko. Tag limang libong peso lang ang katapat ng mga bawat botante dito,” ani ng isang Filipino-Chinese na negosyante sa akin na kung saan narinig niya sa close supporters ng nakaupong reelective mayor ang kanyang kumpiyansa na manalo uli sa karera ng padamihan ng boto.
Pero nagulat si Alkalde kasi ng kasagsagan na ng bilihan ng boto binantayan na ng mga police ang mga alipores niya samantalang pinabayaan iyong kalaban - identified na kebegan at suporter ng Liberal Party at ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino, III at Department of Interior & Local Government Secretary Mar Roxas. Ang DILG ang may hawak sa mga bayag ng mga Heneral at Colonel ng Philippine National Police.
Napunta sa sama ng loob ang kumpiyansa ni Mayor sa Limang Libo Pesos niya dahil hindi siya makagalaw na naging dahilan ng pagkatalo at ng kanyang sakit na naging dahilan ng kamatayan niya.
PANAWAGAN SA MGA BIBILI NG BOTO
Sa mga kandidatong tumatakbo sa darating na May 9, 2022 Eleksyon, tandaan: Ang may hawak ng PD ay may malaking tsansa na manalo sa karera.
Nakita ko na iyon kung paano ipitin ng sa itaas na may hawak sa police commander ang mga kandidato para mayorship sa mga lungsod at mga bayan bayan noong 2013 at 2019 polls.
Iyong naka tsambang manalo dahil binuksan nila ang mga tahanan at mga bodega nila sa vote buying, tandaan mag innovate kayo ng ibang paraan dahil ang kalaban ninyo ay gagawan ng solusyon iyang mga raket ninyo kung paano paghuhulin ang mga nagbebenta at nagpapabili ng boto.
Pag sinugod kayo ng mga police at pinagdadampot kayo at mga voters for sale ninyo nakakahiya iyan at puwede pa iyan humantong sa madugong palitan ng putok ng mga baril sa panig ninyo at mga otoridad. May mga mamatay pa diyan, susmariosep!
Itong mga grounds sa ilalim ang gagamitin sa inyo.
VOTE BUYING, WARRANTLESS ARREST, AND PENALTIES
Remember the definition of Vote Buying and Vote Selling sa Section 261 ng Omnibus Election Code
“(1) Any person who gives, offers or promises money or anything of value, gives or promises any office or employment, franchise or grant, public or private, or makes or offers to make an expenditure, directly or indirectly, or cause an expenditure to be made to any person, association, corporation, entity, or community in order to induce anyone or the public in general to vote for or against any candidate or withhold his vote in the election, or to vote for or against any aspirant for the nomination or choice of a candidate in a convention or similar selection process of a political party.”.
Remember Section 5 Rule 113 of the Rules of Court on Warrantless Arrest?
1. When, in the presence of the policeman, the person to be arrested has committed, is actually committing, or is attempting to commit an offense. This is the "in flagrante delicto" rule.
2. When an offense has just been committed, and he has probable cause to believe, based on personal knowledge of facts or circumstances, that the person to be arrested has committed it. This is the "hot pursuit" arrest rule.
According to Section 263 and 264 of the the Omnibus Election Code, any person found guilty of vote-selling, vote-buying and other election offenses under the code shall be criminally liable and be punished with:
• an imprisonment of not less than one year but not more than six years;
• the guilty party shall be sentenced to suffer disqualification to hold public office and deprivation of the right of suffrage;
• if he is a foreigner, he shall be sentenced to deportation which will be effective after the prison term has been served;
• any political party found guilty shall be sentenced to pay a fine of not less than ten thousand pesos.
Iyan sa itaas ang mga basehan ng kalaban ninyo kung gusto nilang guluhin ang mass vote buying ninyo sa mga tahanan ninyo without even the benefit of the search warrant because they have a witness who personally says that a crime is being perpetrated inside your abode or property.
Pasensiya na sa mga karpentero, Laborer, embalsamador, GROs, bugaw at iba at ako'y napa Inglis ako ng di oras dito sa column o blog ko hehehe.
READ: Superior Funds Key to Electoral Victory
Follow me on Twitter Send me a secure tip.
MORTZ C. ORTIGOZA
I am a twenty years seasoned Op-Ed Political Writer in various newspapers and Blogger exposing government corruptions, public officials's idiocy and hypocrisies, and analyzing local and international issues. I have a master’s degree in Public Administration and professional government eligibility. I taught for a decade Political Science and Economics in universities in Metro Manila and cities of Urdaneta, Pangasinan and Dagupan. Follow me on Twitter @totoMortz or email me at totomortz@yahoo.com.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento