Miyerkules, Mayo 22, 2019

Sen. Poe: Power ng TV Ads, Pagpasa ng PSA


By Mortz C. Ortigoza

Sabi ng mga political experts, ang vote buying para lang sa mga tumatakbong congressmen kasi napakaliit ng isang district na pinaglalabanan nila. Dito nga lamang sa province namin may isang district dito na composed ng isang city at apat na bayan at meron dito na walong bayan at malabong magka city dahil kapos sa visions ang mga mayors dahil karamihan mahina ang kukoti.
Ang pagtakbo sa pagiging senator ay imposibling gamitan ng vote buying kasi meron tayong almost 64 million voters unlike sa average na 324 thousand voters sa isang distrito ng vote-rich province Pangasinan.

Image may contain: one or more people
BUWAN - Reelectionist Senator Grace Poe, prolific actor Coco Martin and his Vendetta group belt Juan Carlos’ “Buwan” at the grand rally of the Nationalista Party, Nationalist People’s Coalition, and Abono Party List at the tarmac of the WCC Aviation School in Binalonan, Pangasinan where a sea of wide eyed humanity attended. PHOTO BY MORTZ C. ORTIGOZA
Nadinig ko na rin ito sa ibang pulitiko, pero ito ang post sa Facebook ng isang tumatakbong senator using a different name:

“Alam ninyo ba na ang halaga ng 30-second  (television) ad sa kainitian na ng campaign period ay nasa P500,000 to P800,000 per slot depende kung sa primetime o hindi ipapalabas? So, kapag may 10 slots sa isang araw, tumataginting na P8 MILYON kaagad! Aba! Bakit ba gagastos ng ganyan kalaki ang mga kandidato araw-araw samantalang P270,000  (Salary Grade 31) lang ang sweldo ng isang senador kada buwan?”

Whopping na P240 million sa isang buwan pa lang iyan, anak ng bakang dalaga!, ika ng isang media man.
Ika ko: Hindi naman ang mga senators ang gumagastos diyan. May mga sponsors iyan na malalaking corporations.

Tinanong ko sa Gerry’s Restaurant & Bar at Robinson’s Calasiao si reelective senator Grace Poe ng dinala siya doon kamakailan ni Abono Party List chairman Rosendo So matapos sila mag motorcade sa Malasiqui town, San Carlos City, and Calasiao town.  Then sa hapon sila ay nag motorcade uli papunta sa Dagupan City, Mangaldan town, Manaoag town, at Binalonan town  ayon sa magandang communication chief ng senadora na si Judith Sto. Domingo.

ME: Congressmen buy votes to win, a senator buys television ads to be victorious. Mostly consistent kayong No. 1 sa polls, ilan ang TV ads ninyo sa major televisions’ GMA-7 and ABS-CBN?

SENATOR GRACE POE (SGP): Marami rami rin. Ah, hindi naman ganoon karami katulad ng iba pero ang importante kasi sa lawak ng Pilipinas hindi maabot mo ang lahat ng mga bumoboto. E paniwalaan natin o hindi lahat naman ng nanood ng television kahit ano ang mangyari kahit pilitin sarili mo sa lahat ng pupuntan lahat ng liblib…

                                                                                  ****
Aking nababatikos ang mga senators sa  hindi nila pag aksiyon sa  pinatulog nila sa pag amend ng Public Service Act matapos ito amendahan ng House of Representatives noong September 8, 2017 sa joint bills authored nila Congressmen Gloria Arroyo, Arthur Yap, Joey Sarte-Salceda, Jose Christopher Belmonte, and Manuel Monsour Del Rosario

ME: June 30 na ang end ng term ninyo sa 17th Congress. May pag asa pa bang maipasa ang amended Public Service Act?

SGP: Gusto ko. Kasi siyempre pag naipasa iyon mas maraming pagkakataon na ang mamumuhunan dito galing sa iba’t ibang bansa, di ba?. Pag dumami namumuhunan dito mas maraming trabaho.
Si Senator Poe ay chairman ng Public Service Committee na may hawak sa amendment ng PSA.

Ang pagpasa ng amended PSA ay magpapataas ng employment kung saan meron tayong 2.3 million unemployed (4.8 million na in year 2021) at 7.5 million underemployed “out 44.1 million laborers based on the January 2018 data of the Philippines Statistics Office,  and 2.3 million workers abroad (PSO 2017) who wanted to come back home if there are available and good paying jobs in the country,” ani ko sa lumang blog/column ko sa Inglis.

Ito ang magpapalakas ng competition sa Pilipinas kung saan ang mga oligarchs gaya ng  controlling owner ng Philippine Long Distance Telephone ay nagbibigay ng mahal at laos na services gaya ng mabagal at mahal na internet service ng duopoly na si PLDT at Ayala.
Sa kasalukuyan ang pagpapatakbo ng corporations dito sa Pilipinas ay halos 60-40 percent controlled pabor sa mga Filipinos. Ito ang isang dahilan na gustong e amend ang PSA para mapawalang bisa iyong xenophobic na business equity dahil ayaw ng mayayamang foreign investors na kontrolado sila ng Filipino oligarchs.

Look what open business equity had brought  to places Singapore, Thailand, Vietnam, and Mainland China. 
 Foreign Direct Investment become a spark plug of their dizzying growth. If Congressmen Arroyo,  Yap, Salceda, Belmonte, and Del Rosario combined their four bills for this economic magic bullet in September 8, 2017 by amending for 100 percent ownership  of the transportation, electricity, telecommunications, mining, oil and gas, why not the senators could not do it? Tanong ko doon sa Inglis column ko.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento