Martes, Pebrero 24, 2015

Q & A: War in Mindanao, BBL, Federalism

Senator Alan Peter Cayetano (R) in one of his interviews by Mortz C. Ortigoza,
columnist of Northern Watch.


 Interview held recently with Senator Alan Peter Cayetano by Mortz Ortigoza (Professor, Political Science), Yolly Sotelo (Philippine Daily Inquirer) and Eva Visperas (Philippine Star).
Excerpts:

Mortz C. Ortigoza (MCO): Sir, sabi ng MILF (Moro Islamic Liberation Front) dapat daw iyong BBL (Bangsamoro Basic Law) lock, stock, and barrel na ipasa ng Congress, paano iyan pag ni-watered down ng Congress kasi galit sila doon sa ginawa ng MILF sa SAF (Special Action Force) -44, gigiyerahin na nila tayo nito?

ALAN PETER CAYETANO (APC): Ang peace process ay parating binabalanse sa national security. Kaya ako nakikipagpasok ng peace para walang gulo. Pero iyong  pinasukan mo ng peace ay mas malakas sa iyo, e paano kung agawin nila ang buong Mindanao? Paano kung maging haven ng terrorism o may criminal syndicate ang lugar nila? So iyong issue ng national security, hindi mo puweding alisin. Kung titingnan mo ang BBL sa present form niya ay masyadong dehado ang gobierno at ibat-ibang mga regions around the country. For example, ang police force nila 4000 to 8000 nasa ilalim ng chief minister nila. Wala ito sa PNP (Philippine National Police), so iyong paghati-an ng natural resources naririnig niyo iyong sinasabi ko kung kanino iyong all other region 2% to 4% gets but Metro Manila gets 34%. Pero sa batas na ipapasa ang BBL lahat ng natural resources nandoon kontrolado nila . So sila ang yayaman ng husto, paano naman iyong the rest of Mindanao? Wala iyong kabalance, gusto natin umunlad ang lugar nila. Mabuti kung ibibili doon ng classrooms, hospitals. Paano kong baril ang bilhin nila? Kaya ang sinasabi natin i-resolve ang Mamasapano bago natin pasukin ang BBL. Kasi kung si Marwan na $5 million nakapatong sa ulo ang hindi nila hinuli hindi nila pina-alis sa lugar nila, ano ang kasiguruhan natin ngayon, pa na ang BBL pinasang ganyan ang mangyayari there. So maraming sub issues is kailangan muna natin binanggit, but we have to see na sincere sila sa process.

MCO; Iyong mga Doves of War ang sabi nila P20 million a day ang gastos sa giyera, may Mainland China threat tayong hinaharap, malaking gastos ang mawawala sa Pilipinas pag nakipag giyera tayo sa MILF.
APC: Well, malaking gastos din sa atin ang pag naghiwalay ang Mindanao sa atin (in any) eventuality), I mean wala namang nag propose na mag giyera pero bakit pag pinayagan sila palakas ng palakas, kunwari nakikipag peace kunwari isang araw hindi mo na kaya dahil mas mahirap labanan. Tandaan mo ang All-Out-War hindi naman iyan ang option. Hindi naman suguran ang pinag-uusapan, di ba? Kung paano nagkaroon ng agreement na in the position of strength ang gobyerno. Unang una, marami sa mga miyembro nila alam naman natin kung sino o saan. So, I don’t want to talk about how, pero alam naman ng gobyerno kung papaano how to contain the MILF kung sa kanila they choose the bullet over the ballot.
                              Troopers of the belligerent Moro Islamic Liberation Front

EVA VISPERAS: Sir, ano ang tsansa na makapasa ang BBL?
APC: As Is” wala pang pag –asa. Ngayon kung bubuksan nila  ay isipin nila tatlo ang requirements ko personally. No. 1: Rebisahin ang BBL to make it more equitable, more inclusive. Pangalawa, kung may agreement sa ibang lugar sa Mindanao. Pangatlo, kailangan makita natin ang sincerity  ng MILF. So isang pakita ng sincerity halimbawa, iyong kanilang factory ng armas kailangan isarado, sunugin. Kasi kung gawa ng gawa sila ng armas at bala, ibig sabihin ay pinaghandaan nila hindi peace, war ang pinag-handaan nila!


YOLLY SOTELO (YS) : Sinabi ni (Davao City) Mayor (Rodrigo) Duterte because he was here, he was working for Federalism.

APC: We have the same end goal but in different manner of going there. Ang problema kasi sa Federalism, du-doble’ ang gastos ng bansa. So kukunti din ang pag hahati-an kasi du-doble’ din ang gobyerno. May State Supreme Court, so it is not that easy. So you review the first 20 years of the U.S government, nag Civil War nga sila. Ako’y naniniwala, ilabas lang sa Metro Manila ang pondo, magkakaroon lang ng mas bottom-up, tunay na economic planning  galing sa ibaba ay puwede mo ng mabago. Marami akong governors, mayors na kausap. “Sir, iyong system natin ng gobyerno okay, ang problema ang pondo nasa inyo ng lahat. Nasa Manila lahat! Labas lang iyong makakaroon kami ng kaunting  sa amin okay na. Iyon. I think Mayor Duterte and I have the same idea, di ba? (inaudible). But different ways of (doing it).

YS: It (Federalism) would be an alternative to BBL?

APC: Hindi rin. Kasi ang gusto ng marami sa MILF it is an independent State not an autonomous o Federal State. That’s why nakita ko kung masusunod ang BBL, walang sampung taon hahabulin nila ang the rest of Mindanao or aalis din sila (from the Philippines).

(Send comments to totomortz@yahoo.com)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento