By Mortz C. Ortigoza
Noong October 1 to 8,
2022 ay filing ng certificate of candidacy (CoC) ng mga tatakbo para sa Pangulo
ng Pilipinas, Senador, Kongressman, Gobernador, Mayor, at mga miyembro ng
Sangguniang Bayan, Panlungsod, at Lalawigan.
Masaya na naman ang sambayanang Pilipino lalo na ang mga
bobotantes at voters- for- sale. Makakatangap na naman sila ng datung na galing
sa mga galante at kunwaring galit sa pera na mga kandidato.
Dito sa lungsod namin, noong tumakbo ang dalawang
kandidatong mayors na mga big time businessmen, isang buwan bago mag May 13,
2019 election estimate ko mga tag P4,000 rin bawat isa sa kanila ang pinamudmud
sa karamihan sa mahigit 119, 164 voters (November 2018 Comelec’s data) ng
lungsod.
Mga magkano iyon? Tag P333,659,200 sila kung sumahin
natin ang 70 percent of 83,415 voters’ na botante na
binili. Magkano ang suweldo monthly ng incumbent City Mayor? Nakakalungkot
na more or less P150,000 monthly.
Photo is grabbed by this blog from the internet |
Nakakalulang P333,659,200 kontra sa P5,850,000 sa tatlong
taong kasama na ang 13th months pay serbisyo sa masa! Anyari?
Sa dami ng pera na bumaha sa mga botante na parang
dilubyo, nalimas lahat ng stocks at benta ng Jollibee, McDonald, Chowking, 7-11.
Ang hindi lang naubos ang Filet-O-Fish ng McDo kasi French sounding
ang hamburger na isda ang palaman. Natakot ang mga taga malayong barangays
at squatters baka mag-ta-e sila sa mala imported na pagkain na hindi pa nila
natikman sa tanang buhay nila hahaha!
Pati flat screen TV at supply ng shabu ayon sa intel ng
pulisya ay nalimas din sa malang unos na perang dumating.
“Anlaki naman ng bilihan ng boto sa inyo! Noong ako
tumakbo tag P200 lang ang bili namin ng boto,” ani ng isang batang Mayor sa
Pangasinan noong bumisita ako sa opisina niya at napag usapan namin ang 2022
Election.
Aniya iyong katabing siyudad nilang malaki tag P300 lang
kada isa ng botante ang bilihan.
“Mortz, kung gusto mong manalo sa reelection mo,
mangurakot ka na pagkaupo mo para maka ipon ka para manalo ka uli,” ika
sa akin ng isa ring Mayor sa Central Pangasinan habang nagkakape kami.
Ani niya, galing ang pera nila sa share as elective
politicians sa jueteng (illegal number games), S.O.P o cut sa mga infrastructure
projects na galing sa 20 percent development fund ng annual budget ng local
government unit, at iba pa gaya ng mga suweldo ng mga ghost workers.
(Read my political blog about the details how How
Mayor, Guv, Solon Steal to Fund Their Election)
“Iyong Tiyo ng misis ko sa Mangaldan noong matapos ang
pinakamahabang term niya nagkawindang windang ang buhay ng pamilya,
pati ancestral home na isanla dahil sa reelection niya,” ika
ni Bong na manager ng isang napakalaking negosyo sa Urdaneta City.
“Iyong pamangkin ng mother-in-law ko sa Calasiao, matagal
naging mayor. Pero ayon lumalakad sa kalsada nanghihingi ng abuloy sa mga
kakilala. Bukod sa adik sa sabung sabi nila na bunkrupt sa kaka-takbo sa
pagka Alkalde,” sagot ko naman.
Iyong ibang mayor bukod sa pangungurakot, ginamit ang
posisyon para makapag patayo ng mga gas stations, memorial parks, iyong iba
sinusunog pa ang palengke para makapag loan ng hundreds of millions of pesos
kung saan kukuha sila ng cut sa contractors para pambili uli ng boto sa
re-election.
Bad talaga maging pulitiko. Tama iyong sabi ni Best
Actor at the Venice Film Festival 2021 (On The Job: The Missing
8) John Arcilla:
"Mas naiintindihan ko pa at mapapatawad iyong mga
mahihirap na napilitan magnakaw dahil sa gutom at kagipitan kaysa doon sa mga
taong may mataas na pinag-aralan at katungkulan pero nagnanakaw sa bayan."
"Botante ka? Iligtas mo ang bayan natin. Hindi po ako kandidato, Nagpapaalala
lang."
Tama ba si Arcilla sa sinabi niya?
Siya iyong lead actor sa pelikulang Antonio Luna na
isinabuhay ang Put*ng Ina na
pakikibaka ni Heneral Luna laban sa masasama.
“Goyong (General Emilio Aguinaldo), putang
ina mo, tignan mo ginawa mo sa kanya!” ani ni Luna sa naging
First President ng Pinas na nakikipag collaborate - gaya ng mga Aquinos ng
Tarlac at Laurels ng Batangas sa Hapon - sa mga Amerkanong mananakop.
(Read
my blog/column on My critique on the film "Heneral Luna")
Put*ng ina talaga itong mga pulitiko. Buti na lang iyong iba
gaya sa sinabi ko sa itaas ng article na ito nakakarma dahil mga kawatan sila
hahaha.
The Lethal, Costly Weapons of a Cobra
MORTZ C. ORTIGOZA
I am a twenty years seasoned Op-Ed Political Writer in various newspapers and Blogger exposing government corruptions, public officials's idiocy and hypocrisies, and analyzing local and international issues. I have a master’s degree in Public Administration and professional government eligibility. I taught for a decade Political Science and Economics in universities in Metro Manila and cities of Urdaneta, Pangasinan and Dagupan. Follow me on Twitter @totoMortz or email me at totomortz@yahoo.com.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento