Ni Mortz C. Ortigoza, MPA
Bakit gumuguho ang mga road dike sa Pinas kahit kaunting ulan lamang?
Dahil ang sheet pile na 12 metro dapat na proteksyon ay ginagawa ng kontraktor
na three - metro na lamang.
Bakit ginugulangan ng mga kontraktor ang taxpayers sa Pinas?
Dahil dorobo ang senador o kongresman at mga opisyales ng DPWH o Departamtento ng mga Pusakal at mga Walang Hiya, este, Department of Public Works and Highway.
Pag kumukuha si senador o kongresman (na siya ang nagla-lobby sa Malacanang sa nasabing tens of millions o hundreds of millions of pesos na proyekto) ng hanggang apatnapung porsyento (40%) sa kontraktor at si regional director o si Secretary ng DPWH at mga taga Bids and Award Committee ng DPWH ay merong lagay na sampu hanggang labing-limang porsiyento (15%) o singkuwentay singko porsyento (55%) ang napupunta sa nakaw, paano na lang ang tubo ng pobreng contractor?
Ayon, dadayain niya ngayon ang bawat 12-metro na sheet pile na nagkakahalaga ng P24,000 hanggang P40,000 kada isa.
Ang mga bagong hot-rolled o cold-rolled sheet pile ay karaniwang mas mahal kada kilo (umaabot sa ₱42 hanggang ₱55+ kada kilo), ibig sabihin ang isang 12-metrong piraso ng Type 2 ay maaaring nagkakahalaga sa pagitan ng ₱24,000 hanggang ₱32,000+, habang ang mas mabibigat na Z-type 12-metrong pile (na may bigat na mga 874 kg) ay maaaring lumampas sa ₱40,000 hanggang ₱45,000 bawat piraso.
Kailangan ng 2,000 (0.5-meter-wide pile) hanggang 2,500 (2.5-meter-wide) na 12-metro na sheet pile sa isang kilometro na road dike.
DPWH CHIEF
Nanlulumo at naglabas ng galit si DPWH Secretary Vince Dizon sa isang mababang-kalidad na proyekto ng road dike na nagkakahalaga ng ₱289-milyon sa Naujan, Oriental Mindoro, matapos ibunyag ng inspeksyon na 3-metrong steel sheet piles ang ginamit sa halip na ang kinakailangang 12-metrong detalye.
Tumestigo si Dizon sa Sandiganbayan Fifth Division kaugnay ng kasong graft na may kinalaman sa proyekto, na nagdidiin sa dating mambabatas na si Elizaldy “Zaldy” Co at mga dating opisyal ng DPWH-MIMAROPA (Mindoro (Occidental and Oriental), Maristuque (Marinduque), Romblon, and Palawan).
Ayon kay Senate President Win Gatchalian, nawalan ang bansa ng
humigit-kumulang P2.75 trilyon simula noong ikalawang quarter ng 2025 dahil sa
korapsyon at implasyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento